Sam, Ivana and Gerald will join Teleserye

 Sam, Ivana and Gerald will join Teleserye

MULING magsasama sa bagong serye ng ABS-CBN under RSB Unit sina Gerald Anderson at Sam Milby na naunang nagsama sa “Dyesebel” series ni Anne Curtis noong 2014 kasama rin si Andi Eigenmann.

Ngayong 2021 ay ang number one vlogger/youtuber na si Ivana Alawi naman ang makakasama nina Gerald at Sam mula sa RSB Unit na ididirek ni Cathy Camarillo, direktor ng seryeng laging nagba-viral gaya ng “Halik” with Yen Santos, Jericho Rosales at Yam Concepcion.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang titulo ang serye nina Sam, Ivana at Gerald dahil may dalawang aktor pang kasama na hindi pa ina-anunsyo ng team.


At kung walang pagbabago ay sa Pebrero 2021 sisimulan ang lock in taping na wala ring binanggit kung saan for safety purposes.

Good thing na balik-serye na si Sam dahil kailangan niyang maging abala dahil sa pagkamatay ng pinakamamahal niyang amang si Lloyd Milby.

Related post