๐๐๐ฅ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฎ ๐๐๐ง๐ณ๐๐ง๐จ ๐๐ญ ๐๐ก๐๐ซ๐ซ๐ฒ ๐๐ข๐ ๐๐ข๐๐๐๐ก๐, ๐ฆ๐๐ฎ๐ฐ๐ข ๐ง๐ ๐ค๐๐ฒ๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ฌ๐๐ฅ๐๐ง?

Tingin ninyo, mga ka-Troiks, mauuwi sa kasalan ang relasyong DuPie (or is it PieDu?) nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache?
Pati si Luis Manzano, anak ni Edu kay Vilma Santos, ay nagulat din sa pa-trivia sa kanya ni Cherry Pie na “second coming” na ang relasyon nila ni Edu ngayon dahil nag-“dating” na sila 20 years ago. Panahon pa raw yun ng Tanging Yaman (MMFF 2000).
Maaaring na-develop muli sila sa isa’t isa sa Marry Me, Marry You.
Tinanong namin ang dalawa sa MMFF 2021 Gabi ng Parangal kung napag-uusapan na ba nilang mag-“marry me, marry you.”

Sagot ni Edu, โHayaan niyo kaming mag-enjoy muna, di ba? Masyado niyo naman kaming minamadali.โ
Napatango lang si Cherry Pie, na agree namang ini-enjoy lang muna nila ngayon ang relasyon nilang dalawa.
โWeโre very happy, kasi masaya ang lahat. Good vibes lang. Positive lang,โ sabi ni Cherry Pie.
Tampok ang DuPie sa pelikulang Baby Love (1995) na pinagbidahan nina Anna Larrucea at Jason Salcedo, sa direksiyon nina Peque Gallaga at Lore Reyes.
Nagsyuting iyon sa Baguio, di ba? Hindi ko maalala kung ano ang role ni Cherry Pie sa Baby Love pero pakiwari ko, friends na sila noon ni Edu.
Sa Tanging Yaman, mag-asawa ang papel ng DuPie. Sa Marry Me, Marry You, sila ang parents ni Andrei (Paulo Avelino).
Siyempre pa, love is lovelier the second time around for DuPie. Kung saan hahantong ang kanilang romansa, letโs just wait and see.
Sinamahan ni Edu si Cherry Pie sa MMFF 2021 Gabi ng Parangal last Monday sa SM Aura. They make such a lovely couple. Nakaka-good vibes.
Si Cherry Pie ang isa sa mga hurado sa 47th Metro Manila Film Festival. Ikinuwento niyang kahit na-screen na nila ang mga pelikulang kalahok, sinubukan pa rin nilang manood sa mga sinehan para masaksihan ang reaksiyon ng mga tao.
Nakakalungkot na hindi pa raw ganun kalakas sa takilya ang MMFF entries, pero isa siya sa umaasang makakaahon ang ating movie industry.

โAs much as may preview kami as being anoโฆ nanood talaga kami sa sinehan,โ lahad ng premyadong aktres.
โNaghahalong saya at lungkot, pero you knowโฆ youโd always want to be hopeful.
โWeโre seeing the light at the end of the tunnel, di ba? Nagsisimula na. So, sana tulungan din tayo ng mga tao.
โAlam po namin na maraming mapapanood online. Pero sana, tulungan niyo rin na makabangon ang industriya na, you know, to go out of their way and watch the movies.
โSupport the Metro Manila Filmfest, na sana magtuluy-tuloy na. Marami pa ring kasama natin sa industriya na walang trabaho.
โMasaya na ito nasimulan na, so sana magtuluy-tuloy na, and we can only be hopeful. So, tulung-tulong tayo.โ
Saad naman ni Edu, โThis is not the first time na nagkaroon ng mga dips. You know, kahit telebisyon noon, nagkaroon ng dip.
โAng movies natin, napaka-resilient. Alam mo naman talaga na ang Filipino is a fan at heart.
โSo, with the proper support also from the government, and with the support of the citizenry, babawi at babawi ulit ang ating industriya. Walang kaduda-duda.โ

Nakita ko talaga ang dedikasyon ni Cherry Pie sa pagiging isang useful member ng ating industriya at lipunan. Napaka-active niya sa aming deliberations at nakakahawa ang kanyang pagkamaligaya sa buhay.
At sabi ko nga, after being part of the MMFF jury, I saw in Pie a greater commitment to her craftโฆ Donโt be surprised if she gets into roles outside her comfort zone.
I am sooo excited on what more Cherry Pie Picache can do, not only for herself, but for our industry and our society. And in all those, we will always be supportive!!!