๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ ๐œ๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐œ๐จ๐ง๐ฏ๐ข๐œ๐ญ๐ฌ, ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐š ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ง๐š๐ค๐š๐ฅ๐ข๐ฉ๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐๐š๐ฌ๐ค๐จ?

 ๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ ๐œ๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐œ๐จ๐ง๐ฏ๐ข๐œ๐ญ๐ฌ, ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐š ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ง๐š๐ค๐š๐ฅ๐ข๐ฉ๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐๐š๐ฌ๐ค๐จ?

Sa mga showbiz personality na nakulong, maituturing na masuwerte si Julio Diaz at ang Pilipinas Got Talent finalist na si Mark Joven Olvido dahil nakalaya na sila at naipagdiwang nila ang Pasko sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay.

Parehong may kinalaman sa pag-iingat ng mga ipinagbabawal na gamot ang mga kaso nina Julio at Joven.

Naaresto si Julio sa isang drug buy-bust operation sa Meycauyan, Bulacan noong April 20, 2018.

Tatlong taon at pitong buwan na nagdusa si Julio sa bilangguan bago siya nakalaya noong November 2021.

Gaya ni Julio, nadakip si Joven sa drug buy-bust operation sa Sta. Cruz, Laguna noong May 14, 2021.

Pero sandali lamang ang pananatili niya sa piitan dahil pinayagan siyang makapagpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

pinoy celebrity convicts

Reclusion perpetua ang hatol ng korte kay Dennis Roldan na nakakulong sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City mula pa noong August 2014 dahil sa kidnapping ng isang Filipino-Chinese boy noong 2005.

Kakosa ni Dennis Roldan sa NBP ang kanyang tukayo na si Dennis Da Silva, na nahatulan din ng habambuhay na pagkakakulong dahil naman sa kasong rape na nangyari noong 2001.

Nang magkaroon ng coronavirus pandemic, matagal na hindi nadalaw ang dalawang Dennis ng kanilang pamilya.


Ngayong Huwebes ng hapon, December 30, 2021, inalam ng Cabinet Files kay Isabel Rivas ang kalagayan ng kanyang kapatid na si Dennis Roldan sa panahon ng Kapaskuhan.

Kuwento ng beteranang aktres, โ€œRegarding Dennis, okay naman siya.

“We saw him last birthday niya, December 8, pero we had to make a long tedious request to make that happen. Bawal kasi ang visits for now.

“But for humanitarian reconsideration, birthdays are permitted but very strict talaga.”

pinoy celebrity convicts

Pitong taon nang hindi nila nakakasama tuwing Pasko at Bagong Taon si Dennis Roldan.

Sinubukan naming hingin ang pahayag ang misis ni Dennis Da Silva na si Tina Da Silva tungkol sa sitwasyon ng kanyang asawa, pero hindi pa siya sumasagot.

Sina Julio, Joven, Dennis Roldan, at Dennis Da Silva ang mga showbiz personality na nakulong at nakakulong dahil sa mga kasong kinasangkutan nila.

Pero iba naman ang kuwento ng indie actor na si Eugene Tejada, na nakapatay noong November 2017 pero sandali lamang na napiit at nagtatago ngayon sa batas.

Related post