Migo Adecer is officially married to a non-showbiz girlfriend in Hong Kong

 Migo Adecer is officially married to a non-showbiz girlfriend in Hong Kong

Ikinasal na si Migo Adecer sa non-showbiz girlfriend nitong si Katrina Mercado sa Hong Kong kahapon, December 30.

Ginanap ang kanilang wedding reception sa isang yacht kasama ng ilang piling mga kapamilya at kaibigan.

Ibinahagi ni Migo sa Instagram ang video nila na nagkakasiyahan.

“Mr & Mrs Adecer!” saad sa caption ni Migo.

Migo Adecer Katrina Mercado wedding

“Caught that cork btw,” dagdag ni Migo patungkol sa paghagis niya ng cork ng wine na ibinato niya sa video.

Si Migo ay Filipino-Australian actor na unang nakilala bilang Ultimate Male Survivor ng StarStruck Season 6, ang reality talent show ng GMA-7. Huli siyang napanood bilang guest star sa Heartful Café nitong 2021.

Ang napangasawa niyang si Katrina ay isang flight stewardess.


Migo Adecer Katrina Mercado wedding

Ilan sa Kapuso stars na nakatrabaho ni Migo ang natuwa at nagpaabot ng congratulatory messages sa pagpapakasal niya. Kabilang sa nag-comment sa post ni Migo sina Marian Rivera, Rhian Ramos, Jason Abalos, Cassy, at Gil Cuervas.

Sa hiwalay na posts ni Katrina, Ipinakita niya ang sweet kiss nila sa wine toasting at cake cutting ceremony.

“Perfect day to get married,” tukoy pa ni Katrina sa magandang weather sa araw ng kasal nila ni Migo.

Simpleng knee-length white dress ang suot ng bride na piniling mag-sneakers sa kanyang wedding reception.

Migo Adecer Katrina Mercado wedding


Noon lamang December 19 inanunsiyo ni Migo na engaged sila ni Katrina. Bisperas iyon ng 22nd birthday ng aktor.

Ipinahiwatig din ni Migo noon na hindi niya balak patagalin pang maging kabiyak ang pinakaiirog.

Aniya, “You know what they say, if you like it, then you should put a ring on it.”

Related post