๐ƒ๐ข๐ ๐๐ž๐š ๐€๐ฅ๐จ๐ง๐ณ๐จ ๐š๐ง๐ ๐ƒ๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ช๐ฎ๐ž ๐‘๐จ๐ช๐ฎ๐ž’๐ฌ ๐ฆ๐จ๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ฌ ๐ฆ๐š๐ค๐ž ๐š ๐ฉ๐ข๐ง๐ค๐ฒ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ž ๐š๐›๐จ๐ฎ๐ญ ๐š ๐Ÿ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž ๐ฐ๐ž๐๐๐ข๐ง๐ ?

 ๐ƒ๐ข๐ ๐๐ž๐š ๐€๐ฅ๐จ๐ง๐ณ๐จ ๐š๐ง๐ ๐ƒ๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ช๐ฎ๐ž ๐‘๐จ๐ช๐ฎ๐ž’๐ฌ ๐ฆ๐จ๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ฌ ๐ฆ๐š๐ค๐ž ๐š ๐ฉ๐ข๐ง๐ค๐ฒ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ž ๐š๐›๐จ๐ฎ๐ญ ๐š ๐Ÿ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž ๐ฐ๐ž๐๐๐ข๐ง๐ ?

Ipinakilala na nina Bea Alonzo, 34, at Dominic Roque, 31, ang mga pamilya nila sa isa’t isa.

Sama-sama silang nagdiwang ng Pasko sa malawak na rest house ni Bea sa Zambales.

Doon naninirahan ang ina ng aktres na si Mary Anne Ranollo at stepdad na si Amado Carlos. May hiwalay ring bahay sa lupain ni Bea ang kapatid niyang si James Carlos kasama ng misis nito.

BeaDom, Bea Alonzo, Dominic Roque

Dinala ni Dominic ang mga magulang at tatlong kapatid niya roon para magbakasyon ngayong holiday season. Ang kuya ni Dominic na si Anthony Roque, na isa ring artista, ay kasama ang misis at anak nito.

Noong December 25, Araw Ng Pasko, ipinakita ni Dominic sa Instagram ang family picture nila.

“Maligayang Pasko sa lahat! #GodBlessUsAll,” simpleng caption ni Dominic.

Halatang magkasundung-magkasundo ang mga pamilya ng magkasintahan, partikular na ang kanilang mga ina.

BeaDom, Bea Alonzo, Dominic Roque
BeaDom, Bea Alonzo, Dominic Roque

Ang ina ni Dominic na si Lena Roque ay nag-post din sa sarili nitong Instagram account.

Ipinahiwatig din niyang hindi ito ang unang pagkakataong bumisita ang pamilya Roque sa rest house ni Bea.

Base ito sa dalawang litrato na ibinahagi nito na may caption na “Ranollo/Roque family 2020/2021.”

Pero pinakakiniligan ng lahat ay ang pinky promise ni Lena at ng ina ni Bea na si Mary.

Saad sa caption ni Lena, “Sumpaan at Kasunduan.”

Hindi nakaligtas sa fans nina Bea at Dominic ang mga post ng ina ni Dominic.

Pakiramdam nila ay tila botong-boto ang mga ito na matuloy sa kasalan ang relasyon nina Bea at Dominic.

May fans pang nagtanong kung namanhikan na raw ba si Dominic sa pamilya ni Bea.

BeaDom, Bea Alonzo, Dominic Roque

“Wedding bells is waving,” hirit pa ng iba.

Kung anu’t ano man, masaya ang netizens na makita ang “adorable mothers” nina Bea at Dominic na sobrang magkasundo.

BeaDom, Bea Alonzo, Dominic Roque
BeaDom, Bea Alonzo, Dominic Roque

Related post