๐ƒ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐ž๐ฑ๐ฒ ๐š๐œ๐ญ๐จ๐ซ ๐ง๐š ๐ฌ๐ข ๐„๐ฎ๐ ๐ž๐ง๐ž ๐“๐ž๐ฃ๐š๐๐š, ๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐ง๐š ๐ญ๐š๐จ๐ง ๐ง๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ญ๐š๐ฌ ๐๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐ฎ๐ซ๐๐ž๐ซ

 ๐ƒ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐ž๐ฑ๐ฒ ๐š๐œ๐ญ๐จ๐ซ ๐ง๐š ๐ฌ๐ข ๐„๐ฎ๐ ๐ž๐ง๐ž ๐“๐ž๐ฃ๐š๐๐š, ๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐ง๐š ๐ญ๐š๐จ๐ง ๐ง๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ญ๐š๐ฌ ๐๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐ฎ๐ซ๐๐ž๐ซ

Ang Pasko ng mga showbiz personality sa loob ng kulungan ang artikulong binubuo namin kaya nakipag-ugnayan kami sa mga taong may kinalaman kina Dennis Roldan, Dennis Da Silva, at Eugene Tejada.

Pero nasorpresa kami nang aming malamang apat na taon nang nagtatago sa batas si Eugene Tejada, ang sexy actor na nagbida noon sa mga indie movie.

Napatay ni Tejada ang office supervisor na si Frenil Bautista sa krimeng nangyari sa isang supermarket sa San Mateo, Rizal noong November 22, 2017.

Kasama noon ni Tejada ang kanyang live-in partner na si Mary Jane Malilin.

Napagkamalan ni Tejada na hinipuan ni Bautista si Malilin kaya binugbog ng indie actor ang biktima sa loob ng comfort room ng supermarket.


Sa imbestigasyong isinagawa noon ni Senior Police Officer Wilmer Privado ng San Mateo PNP, napag-alamang hypertensive at diabetic si Bautista.

Nahilo ito kaya hindi sinasadyang napasandal siya kay Malilin, pero inakala ni Tejada na binastos ng biktima ang live-in partner niya.

Twenty-nine years old noon si Tejada, samantalang 44 naman si Bautista nang bawian ng buhay.

frenil bautista murder victim

Frenil Bautista

Apat na taon na ang nakalilipas buhat nang mangyari ang krimen, pero hanggang ngayon, hindi pa nakakamit ng naulilang pamilya ni Bautista ang hustisya.

THE UNSOLVED CASE
Nagretiro na si Privado sa serbisyo. Pero nitong Huwebes ng umaga, December 30, 2021, nagpaunlak siyang magsalita sa Cabinet Files tungkol sa kaso ni Tejada.

Si Privado ang chief investigator noon. At hanggang ngayon, sariwang-sariwa pa sa kanyang isip ang buong pangyayari.

โ€œAng last hearing namin was 2019. Hindi pa nahuhuli si Tejada pero may standing warrant of arrest siya,โ€ umpisa ng salaysay ni Privado.


Nakita pa raw ni Privado si Bautista bago ito isinugod sa ospital.

โ€œNakita ko yung victim, nahihilo, hindi makapagsalita. Yun pala, inaatake na siya ng sakit.

“Pero nang magtanong ako sa kanya kung sino ang bumugbog sa ‘yo, itinuro niya si Tejada.

โ€œIpinatakbo ko na siya sa ospital. Pagkasakay na pagkasakay ng victim sa mobile car, na-comatose na siya.

“Yung suspect, nakaalis na. Ang kagandahan lang, nakuha namin ang cellphone number nila. Ipinatawag at pinasundan ko, bumalik naman.”

Patuloy ng dating chief investigator, “Ang unang kaso sa suspect, serious physical injuries pa lang.

“Pero nung namatay na ang victim, nakahanap kami ng testigo, ginawa nang resulting to homicide.

“Pero nang magbigay kami ng supplement, naging murder na.”

wilmer privado tejada case

Wilmer Privado

Ayon kay Privado, may “koneksiyon” ang kampo ni Tejada kaya nakalabas ito ng kulungan; at tuluyan nang naglaho at hindi na matukoy ang kinaroroonan.

Saad niya, “Ang problema, may koneksiyon yung kabila kaya nakalabas siya. Parang two, three days lang nakulong si Tejada.

โ€œNaghi-hearing kami noon, nawala siya, hindi um-attend kaya nagkaroon ng warrant of arrest.

“Wala nang balita sa kanya. Hindi na sila nakatira sa dating bahay nila. Tapos, nagkaroon pa ng pandemic.”

Umaasa si Privado na makatulong ang report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para umusad na ang kaso at magkaroon na ng hustisya ang malupit na sinapit ni Bautista.


โ€œKahit naman retired ako, basta mga ganyang kaso, obligado akong mag-attend sa hearing.

โ€œMalaking bagay sa pamilya na mailabas uli ang balita dahil baka nandiyan lang si Tejada sa tabi-tabi, nagtatago. Kapag inilabas uli ang balita, baka sakaling makatulong,โ€ ani Privado.

Nakausap din ng Cabinet Files ngayong Huwebes ng hapon ang Business Mirror reporter na ni Lorenz Marasigan, ang pamangkin ni Bautista.

Kinumpirma ni Marasigan na walang nangyayari sa kaso ng kanyang tiyo dahil nagtatago nga si Tejada.

Pahayag ni Marasigan, โ€œAng alam po namin, nagtatago nga po, at yung last known address somewhere in Batasan, Quezon City, hindi po sila makita.

โ€œTuloy naman po yung case pero dahil nagtatago nga po siya, hindi umuusad.

โ€œHindi po ako sure pero baka nandito lang siya sa Pilipinas. Mahirap talaga kapag nagtatago yung tao.โ€

Related post