AJ Raval to star in erotic movie Scorpio Nights 3

 AJ Raval to star in erotic movie Scorpio Nights 3

Tiyak na ang pagbibida ni AJ Raval sa Scorpio Nights 3 dahil isa ito sa mga proyekto ng Viva Films na inanunsyo ngayong Miyerkules ng hapon, December 22, sa virtual thanksgiving party for the entertainment press ng Vivamax.

Ipinakita ang teaser ng Scorpio Nights 3 na pagbibidahan ni AJ at mula sa direksyon ni Lawrence Fajardo.

Sisimulan ang shooting ng Scorpio Nights 3 sa January 2022 at sa March 2022 ang target streaming date sa Vivamax. Ang Vivamax ang Pinoy streaming site na meron nang dalawang milyon na subscribers mula nang ilunsad ito noong January 29, 2021.

Hindi pa kumpleto ang cast ng sexy movie dahil hinahanapan pa si AJ ng mga aktor na makakapareha niya. Sinubukan namin na kunin ang pahayag ni AJ tungkol sa kanyang bagong proyekto, pero nagsimula na ang Christmas vacation niya kaya hindi na siya nakapagbigay ng reaksyon.

Unang ibinalita ni AJ ang pagbibida niya sa Scorpio Nights 3 sa virtual media conference ng Death of A Girlfriend noong April 8, 2021.

Ang isang steamy love scene nina AJ at Sean de Guzman sa pelikulang Taya ay naihalintulad din sa steamy love scenes sa original Scorpio Nights.


SCORPIO NIGHTS MOVIE FRANCHISE

Si Anna Marie Gutierrez ang lead actress ng unang Scorpio Nights na kontrobersyal at pinilahan sa takilya nang magbukas ito sa mga sinehan noong June 18, 1985 dahil sa mga mapapangahas na sex scenes nila ni Orestes Ojeda.

Si Daniel Fernando ang incumbent governor ng lalawigan ng Bulacan, habang si Orestes ay pumanaw noong July 27, 2021

Scorpio Nights, Orestes Ojeda, Daniel Fernando

Dahil sa popularidad ng original Scorpio Nights, nagkaroon ito ng Korean version na may pamagat na Summertime at napanood sa mga sinehan sa South Korea noong May 26, 2001.

Ang Korean stars na sina Ryu Soo-young, Kim Ji-hyun, at Choi Cheol-ho ang lead cast ng Summertime.


Summertime

Sa Filipino remake na Scorpio Nights 2 noong 1999, ang former sexy star na si Joyce Jimenez ang bida sa pelikula. Pero ibang-iba ang kuwento ng launching movie na iyon ni Joyce kumpara sa original version na tinampukan ni Anna Marie.

Related post